Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
( Mga Anekdota Mula sa Iran )
PAGKILALA SA MAY AKDA:
Ang pangalang Mullah Nassreddin, o Mullah Nassr-e Din ( na mas kilala sa daglit na MND ), ay ang tagapagkuwento ng mga katatawanan na lagging maaalala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan.
Libo-libong nakakatawa at pag-iisipang mga kuwento ang sinasabing isinulat ni MND. Bagama’t ang kaniyang pagkamamamayan ay inaangkin ng maraming bansa tulad ng Afghanistan, Turkey, at Uzbekistan, siya ay itinuturing na isang Iranian ng iba’t ibang pandaigdigang samahan ng mga dalubhasa sa pagsusulat ng mga anekdota. May mga nagtuturing kay MND bilang simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito.
Ang mga kuwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na tungkol sa pag-unawa sa buhay at kaalaman. Ang mga ito ay paulit-ulit na ikinukuwento bilang mga biro at anekdota sa loob ng tahanan, at sa mga tea house at barberya. Naririnig din ang kaniyang mga kuwento sa mga programa sa radio at mga palabas sa telebisyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
URI NG PANITIKAN:
Ang uri panitikan na ginamit sa akda ay isang anekdota. Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wling insidente o pangyayari. Maaring ito ay kata-kata ihango sa totoong pangyayari na nangyari sa isang sikat na tao. Katulad ng linya sa "Sukatin Mo!". Ito ang linya mula sa akda:
MND "Kung hindi ka naniniwala, sige, Sukatin Mo!". Ito ay nagpapakita ng katangian ng isang anekdota na nagtataglay ng isang katatawanan. Ito naman ang linya mula sa kwento ng "Sino ang Iyong Paniniwalaan":
"Nagsisinungaling ka Mullah!" pahayag ng kanyang kapitbahay "Nariyan siya sa likod ng pader!". Maaring nangyari ito sa totoong buhay at ito ay isa sa mga katangian ng isnag anekdota. At ito ang mga patunay na ang kwentong "Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota" ay isang anekdota.
LAYUNIN NG AKDA:
Ang akda ay naglalayong magbigay kawilihan at mag-iwan ng aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan.
TEMA O PAKSA NG AKDA:
Sukatin Mo!
Ang paksa ng kwento ay patungkol sa katatawanan at ang tema ay totoong nangyari o hango sa nangyari sa tauhan sa kwento.
Sino ang Iyong Pniniwalaan?
Ang paksa ng kwento ay patungkol sa pagsisinungaling o pagdadamot ng tauhan sa kwento at ang tema ay maaring nangyari o hango sa tunay na nangyari sa tauhan.
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA:
Mga Tauhan
•Mullah Nasserdin o Mullah Nassr-e Din - kilala sa daglat na MND, Siya ay tagapagkwento ng mga katatawanan na laging maaalaala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan, Si MND ay may libo-libong nakakatawa at pag-iisipang mga kwento, maraming mga bansa ay inaangkin ang pagkamamamayan ni MND tulad ng Afghanistan,Turkey, at Uzbekistan.
Ang mga kwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika.
TAGPUAN/ PANAHON:
Panahon at tagpuan sa isang akda ay ang isa sa nagbibigay kulay sa kwento upang magbigay ng imahe sa isipan ng mambabasa kung saan nagaganap ang kilos o usapan ng mga tauhan.
"Sukatin Mo!"
- ito ay naganap sa isang teahouse. Dito naganap ang usapan ng dalawang tauhan ng kwento na sina MND at ng isang di kilalang tauhan na hindi nabanggit sa kwento.
"Sino ang iyong paniniwalaan"
- ito ay naganap sa tarangkahan ng bakuran ni MND. Dito naganap ang usapan nina MND at ang kanyang kapitbahay.
NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
Sukatin Mo!
Panimula: pumunta si MND sa teahouse.
Saglit na kasiglahan: pinukpukpok niya ang pako sa hulihan ng kabisada ng kabutan buriko ng biglang may nagtanong.
Suliranin: pagtatalo ng dalawang tauhan sa kwento
Tunggalian: tao laban sa tao ( Sa Sukatin Mo nung nagtatalo sila sa sentro ng kalawakan sa sino ang iyong paniniwalaan yung nagalit yung kapitbahay niya dahil nalaman nagsisinungaling si MND )
Kasukdulan: pinaliwanag ni MNDang sentro ng kalawakan at hindi siya pinaniwalaan nito.
Wakas: nag-iwan siya ng isang nakakatawang salita.
Sino ang Iyong Paniniwalaan?
Simula: nagpunta sa tarangkahan ni MNDang kanyang kapitbahay.
Saglit na Kasiglahan: lumabas si MND upang kausapin ang kapitbahay.
Suliranin: ayaw niyang ipahiram ang kanyang buriko sa kanyang kapitbahay
Tunggalian: tao laban sa tao.
Kasukdulan: narinig ng kapitbahay ni mnd ang malakas na atungal ng buriko.
Wakas: nalaman ng kapit bahay ni mnd na nagsisinungaling ito at tinanong siya ni MND nang may pasalungat.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
Sukatin Mo!
Ang ideyang nabuo ay hindi pinaniniwalaan ang isang tao dahil inaakala nila lahat ng kanyang sinasabi ay pawang kalokohan lamang.
Sino ang Iyong Paniniwalaan?
Ang ideyang o kaisipang nabuo sa akda ay magsabi na lamang ng totoo imbis na nagsisinungaling ka pa.
ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/ TEORYANG PAMPANITIKAN:
Isang Biograpikal ang kwentong ito sapagkat ito ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ng may akda na si Mulla Nassredin.
BUOD:
Sukatin Mo!
Pumunta si MND sa teahouse,pinukpukpok niya ang pako sa hulihan ng kabisada ng kabutan buriko ng biglang may nagtanong ng "Mullah, nasaan ang sentro ng kalawakan?"
Sagot ni MND, "Ang sentro ng kalawakan ay kung saan ko ipinukpok ang pako ng kabisada ng aking buriko."
At may sumagot, " Hindi ako naniniwala!"
Lumagok ng tsaa si MND saka nagwika, "Kung hindi ka na niniwala, sige, sukatin mo!"
Sino ang Iyong Paniniwalaan?
Isang kapitbahay ni MND ang nagpunta sa tarangkahan ng kanyang bakuran. Lumabas si MND para salubungin ang kanyang kapitbahay.
"Maaari ba, Mullah," ang tanong ng kaniyang kapitbahay, "ipahiram mo naman sa akin ang iyong buriko? May mga kalakal lang akong dadalhin sa kabilang bayan."
Ayaw ni NMD na ipahiram ang kanyang buriko sa kapitbahay niyang iyon, ngunit para hindi naman siya maging bastos, ang sabi niya, "ikinalulungkot ko, ngunit na pahiram ko na siya sa iba."
Maya-maya at narinig ang malakas na atungal ng buriko sa likod ng bakuran.
"Nagsisinungaling ka, Mullah!" pahayag ng kapitbahay. "nariyan siya sa likod ng pader!"
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni MND nang may pagsalungat sa tinuran ng kausap. "Sino ang iyong paniniwalaan, ang buriko o ang iyong Mullah?"